GMA Logo Kelvin Miranda
What's on TV

Kelvin Miranda teases character in 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published May 8, 2023 1:46 PM PHT
Updated May 30, 2023 2:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Teens found vintage bomb in Davao City
Valenzuela task force organized to probe case of dog with tongue cut off
Bataan serves suman and dinuguan for Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Kelvin Miranda


Kabilang ang Sparkle actor na si Kelvin Miranda sa upcoming action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Nagsimula na ang taping para sa nalalapit na action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Kabilang sa stellar cast ng serye ang Kapuso actor-singer na si Kelvin Miranda.

Sa Instagram, ibinahagi ni Kelvin ang kanyang mga larawan, kung saan makikitang nasa set ang aktor suot ang kanyang red at black na outfit.

“On the set!!! #Gary #WMNP #Soon,” sulat niya sa caption.

A post shared by Kelvin Miranda (@iamkelvinmiranda)

Bilang paghahanda sa kanyang karakter, sumailalim si Kelvin at ang kanyang co-stars sa gun training, kung saan tinuruan sila ng PNP Special Action Force ng tamang paggamit ng firearm at sumabak din sa gun firing.

Ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Kabilang din sa upcoming action-comedy series sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.

Ipinakikilala rito ang Kapuso actress na si Angel Leighton.

Mapapanood din sa serye ang mga batikang aktor na sina Niño Muhlach, Maey Bautista, at Dennis Marasigan.

Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.