GMA Logo Open 24/7 cast
What's on TV

Paano napili ang Gen Z cast members na bumubuo sa 'Open 24/7'?

By Aedrianne Acar
Published May 8, 2023 3:16 PM PHT
Updated May 19, 2023 12:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Open 24/7 cast


Ilan sa brightest and fresh talents ng Sparkle GMA Artist Center, bibida sa bagong sitcom ni Bossing Vic Sotto!

Ilang araw na lang at mapapanood n'yo na ang pinakabagong sitcom na maghahatid ng good vibes sa inyo tuwing weekend ang Open 24/7.

Dito magsasama ang ilan sa A-list celebrities sa show business sa pangunguna nina Jose Manalo, Maja Salvador, at ang highly-respected comedian-TV host na si Vic Sotto.

Tampok din sa comedy show ang ilan sa promising talents ng Sparkle GMA Artist Center, a.k.a ang Gen Z members ng Open 24/7 sa pangunguna nina Sparkle Sweethearts Allen Ansay at Sofia Pablo.

Kabilang din sina Sparkada member Anjay Anson at singer Riel Lomadilla at mga hunks na sina Abed Green, Kimson Tan, at Bruce Roeland.

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Bossing Vic, tinanong namin ito kung ano pumapasok sa isip niya kapag naririnig ang term na “Gen Z.”

“Parang vibes lang kami, parang, magkaka-edad lang kami.” natatawang hirit niya. “It's nice to work with them, nakikita ko 'yung pagkaseryoso nila sa trabaho and more importantly, palagay ko, mage-enjoy ako makasama sila, e.”

Dagdag ng seasoned comedian, “Kasi, 'di naman nagkakalayo 'yung edad, medyo nagkakalayo. Pero 'yung pananaw sa buhay, e, halos pantay-pantay lang. Okay din naman, first time ko makakasama [at] makakatrabaho 'yung mga Gen-Z.”

Inusisa rin ng GMANetwork.com kung paano napili ni Vic Sotto at ng production team ng Open 24/7 ang mga young cast members. Ano-ano kaya ang naging criteria at qualities na hinahanap nila sa mga ito?

Paliwanag ni Vic Sotto, “Nagpa-audition kami. Lahat sila dumaan sa audition, kasi may mga characters silang ipi-play: sino ba ang bagay dito? Sino ang makaka-deliver dun sa character na 'yun. So, inisa-isa namin siya, 'yung production staff, 'tapos with my approval [and then] the director's approval kaya sila napili.”

“Alam naman natin lahat sila very talented, pero 'yung role, mas importante 'yung role, e. Bagay kay ganito, bagay kay Sofia [Pablo]. So, ganun ang naging proseso namin,” aniya.

For more updates and exclusive content sa inaantabayanan na sitcom this 2023 na Open 24/7, please visit GMANetwork.com and follow all the show's official social media pages.