
Certified hunks at oozing with sexy appeal! Ganito isasalarawan ng fans ang mga Sparkle artists na sina Abed Green, Kimson Tan, at Bruce Roeland.
At malapit na bumida ang tatlo sa pinakabagong sitcom ni Bossing Vic Sotto sa Kapuso Network na Open 24/7, kung saan makakasama rin niya ang talented comedian na si Jose Manalo at award-winning actress na si Maja Salvador.
Nabigyan ng pagkakataon ang GMANetwork.com na makapanayam sina Bruce, Abed, at Kimson sa pictorial shoot ng cast last month at dito naitanong namin sa tatlo ang kanilang saloobin na kasama sila sa big sitcom na ito ng kanilang home network.
Para sa dating teen star na si Bruce Roeland, sinabi niyang “dream come true” ang pagkakataon na ito na maka-work ang tatlong malalaking bituin sa show business.
“Siyempre nu'ng una, hindi ako naniniwala, e,” pagpapatuloy niya. “Kasi si Bossing Vic makakasama ko sa show, super blessed. Kaya it's like a dream come true na finally [makaka-work ko] si Bossing Vic, si Maja Salvador, Jose Manalo, and lahat ng mga kaibigan ko dito na kasama sa set. So, it's like parang 'di na work, e. Parang enjoy na lang, tsaka it's not work. Super saya.”
Thankful naman ang moreno hottie na si Abed Green na nagbunga ang hard work niya sa audition at ngayong official cast member na siya ng Open 24/7.
Pagbabalik-tanaw niya, “Sobrang-sobrang saya, kasi hindi ko rin ine-expect na sila Bossing pala 'yung makakatrabaho ko e.”
“Kasi nung nag-audition ako, talagang sabi ko lang, ah dapat galingan ko lang dito sa audition. I-portray ko lang 'yung sinasabi nung character, ganun. Tapos pinag-impromptu kami sa audition,” aniya.
Tanong namin sa cager heartthrob kung natural ba sa kaniya ang pagiging makulit o komikero?
Sagot niya, “Medyo joker ako, medyo comedy din ako talaga sa totoong buhay. Kumbaga, 'di ako palagi nagjo-joke, pero mero'n ako mga nasasabing na pasok minsan sa katatawanan, e.”
Aminado rin ang chinito cutie na si Kimson Tan na makulit siya sa mga malalapit na tao sa kaniyang buhay na magagamit niya ito sa show.
Matatandaan na bumida si Kimson sa primetime series na Mano po Legacy: The Flower Sisters na nagtapos umere noong January 2023.
Aniya, “Actually, very makulit ako in person mukha lang po kasing hindi. Makulit po talaga ako to the people I'm comfortable with, with my friends, with my family sobrang kulit ko po.
“And feeling ko po mailalabas ko siya dito sa Open 24/7, dahil nabanggit din po ni Direk na gusto niya light lang. Natural lang po na, light lang po 'yung maipakita, para natural na natural po 'yung pagiging komedyante.”
Huwag papahuli sa mga exclusive content at latest news tungkol sa Open 24/7 by visiting GMANetwork.com and following all the show's official social media pages.
HERE ARE SOME OF THE JAW-DROPPING SUMMER PHOTOS OF YOUR FAVORITE CELEBRITY HOTTIES: