
Ginulat ng vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang fans at subscribers sa latest update tungkol sa kanyang sarili, na ibinahagi niya sa Facebook.
Makikita sa kanyang Facebook post ang ilang larawan kung saan kasama ni Zeinab ang acting coach na si Ana Feleo.
Si Ana ay anak ng direktor at Unbreak My Heart actress na si Laurice Guillen.
Ayon sa caption ni Zeinab, “First acting workshop done [heart emoji]. Thank you so much Ms. Ana Feleo. Excited po sa next session natin. Ang dami ko pong natutunan today.”
Bukod sa pagba-vlog, tila mayroon siyang plano na pasukin ang mundo ng pag-arte base na rin sa kanyang post.
Kaugnay nito, nalaman ng GMANetwork.com na nagpaabot ng suporta kay Zeinab ang aktres na si Jennylyn Mercado.
Ayon kay Jennylyn, “Nakakaproud. Excited for you! [smile emoji].”
Bumuhos din ang suporta ng netizens para kay vlogger at excited silang makita ang kanilang idolo sa telebisyon.
Kamakailan lang, naging maingay ang pangalan ni Zeinab dahil sa bagong nali-link sa kanya.
Isa si Zeinab sa mga kilalang content creator sa bansa.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 13.4 million subscribers ang kanyang YouTube channel.
SILIPIN ANG GIGIL MOMENTS NG BABY GIRL NI ZEINAB NA SI ZEBBIANA SA GALLERY SA IBABA: