
Kumpirmadong mapapanood muli ang multi-hyphenate artist na si Matteo Guidicelli sa GMA Network matapos ang guesting niya sa weekly GTV cooking show na Farm To Table isang taon na ang nakalilipas.
This time, hindi lang sa isang episode mapapanood si Matteo sa Kapuso channel matapos siyang opisyal na pumirma ng kontrata ngayong Huwebes, May 11, bilang bagong miyembro ng GMA Public Affairs family.
Unang proyekto ni Matteo bilang Kapuso ang pagiging host ng GMA flagship morning show na Unang Hirit.
Sa pagsabak ni Matteo sa longest-running morning show in the country, masusubok ang galing niya sa hosting sa pakikipanayam niya sa iba't ibang personalidad at sa ating mga kababayan tuwing bibisita siya sa iba't ibang lugar sa bansa.
Extreme na pampagising ang hatid niya tuwing umaga dahil lagi siyang "G!" sa kahit anong gimik. He's always hungry for adventure kaya naman asahan ding sasabak siya sa fun and exciting activities kung saan kinagigiliwan ang programa.
Matteo has all the qualities that Unang Hirit is looking for in a host kabilang na riyan ang pagiging sweet and caring na tiyak na kakikiligan ng mga manonood.
Mapapanood si Matteo bilang pinakabagong kabarkada tuwing umaga sa Unang Hirit simula Lunes, May 15, 5:30 a.m. sa GMA-7.
Mayroon din itong livestreaming sa GMANetwork.com/News at sa YouTube channel ng GMA News.
Para laging una ka sa updates, i-follow ang official Facebook, Instagram, at Twitter pages ng Unang Hirit.