GMA Logo Son Yuke Songpaisan, Esther Supreeleela
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

'Love Revolution' finale episode, mapapanood na bukas!

By Dianne Mariano
Published May 11, 2023 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Catholics urged to be ‘sign of God's presence’ at Christmas Eve Mass
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Son Yuke Songpaisan, Esther Supreeleela


Makamit kaya nina Ardy at Nica ang kanilang happy ending? Abangan ang finale episode ng 'Love Revolution' bukas, May 12.

Sa nalalapit na pagtatapos ng Thai series na Love Revolution, malalaman na kung ano ang kahihinatnan ng love story nina Ardy (Son Yuke Songpaisan) at Nica (Esther Supreeleela) matapos ang kanilang mga pinagdaanan sa buhay.

Sa ipinalabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at social media kamakailan, mapapanood na pareho nang matagumpay sina Nica at Ardy sa kanya-kanyang kumpanya.

Si Ardy na rin ang in-appoint ng kanyang ama bilang Executive Director ng Intalaweng Group.

Ipinakita rin dito na tinanong ni Ardy si Nica kung puwede na silang magsama nito at naglabas pa siya ng isang singsing para sa huli.

Makakamit na kaya nina Ardy at Nica ang kanilang happy ending?

Huwag palampasin ang finale episode ng Love Revolution ngayong Biyernes (May 12), 9:00 a.m., sa GMA.

SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA HEART OF ASIA: