
Marami nang nakalatag na projects para sa bagong Kapuso na si Matteo Guidicelli.
Kabilang na riyan ang Unang Hirit kung saan siya mapapanood simula Lunes, May 15, bilang host.
Karamihan sa kanyang future shows ay ipo-produce ng GMA Public Affairs gaya ng docu special tungkol sa kalikasan at action series na ipapalabas sa GMA Telebabad ngayong 2023.
Pinamagatan ang serye na Black Rider kung saan makakasama ni Matteo si Ruru Madrid.
"It's hard action sa primetime slot so I'm very, very excited for that," ani Matteo.
Nakatakda ring mag-host si Matteo ng isang sports special sa ilalim ng GMA Synergy.
Samantala, pinangalanan naman ng multi-hyphenate personality kung sino-sino pang Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho.
Kung bibigyan ng pagkakataon, nais niya raw makasama sa isang proyekto sina Dingdong Dantes, Kim Atienza, Ryan Agoncillo, Solenn Heussaff, Drew Arellano, at Iya Villania.
TINGNAN DITO ANG LARAWAN MULA SA CONTRACT SIGNING NI MATTEO BILANG KAPUSO: