GMA Logo Game of Outlaws
What's Hot

Game of Outlaws: Kapahamakan sa magkapatid | Week 3 recap

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2023 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David decries MAIFIP in proposed 2026 budget
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Game of Outlaws


Ano ang kahahantungan ng magkapatid na Jennifer at Relissa sa 'Game of Outlaws'?

Sa pagkakapatay ni Jennifer (Natapohn Tameeruks) sa leader ng mafia na ininfiltrate niya, at dahil na rin sa pag testigo laban sa kanya ng sarili niyang kapatid na si Relissa (Pimpawee Kograbin), ipinakulong ang baguhang police officer sa piitan, kahit pa ipinaglaban ni Aaron (Mark Prin Suparat) ang kalayaan nito.

Sa pagkakulong ni Jennifer, matinding kapahamakan ang nag aabang sa kanila ni Relissa, sa loob at sa labas ng piitan. Matulungan pa kaya sila ni Aaron?

Matapos tumestigo ni Relissa laban Kay Jennifer, kinailangan makulong ng dalaga para sa krimeng nagawa niya.

Subalit bilang isang police officer, hindi naging madali ang buhay niya sa loob ng piitan. Meron siyang mga nakaaway sa loob at napagiinitan din dahil sa dati niyang trabaho.


Pero hindi porke napagiinitan siya ay wala nang tao sa loob na handang tumulong sa kaniya. Nandyan si Marlene, na niligtas siya sa mga umatake sa kanya.

Ngunit hindi natatapos sa loob ang problema ni Jennifer dahil isa sa mga miyembro ng isa pang mafia gang ang bumisita sa kanya, at ipinakita ang litrato nina Aaron at Relissa bilang pananakot.


Samantala, manganganib din ang buhay ni Relissa nang sugurin siya ng kriminal na nabulag niya ang mata. Pero kahit ganun, to the rescue pa rin si Aaron para iligtas siya sa kapahamakan.

SAMANTALA, KILALANIN SI NATAPOHN TAMEERUKS DITO: