GMA Logo Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan
What's Hot

Film based on Bob Ong's best-selling novel set to release this May

By EJ Chua
Published May 15, 2023 11:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Teens found vintage bomb in Davao City
Valenzuela task force organized to probe case of dog with tongue cut off
Bataan serves suman and dinuguan for Christmas

Article Inside Page


Showbiz News

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan


Mapapanood na ang mystery film na 'Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan' simula May 18, sa Prime Video.

Makalipas ang halos apat na taon, mapapanood na online ang pelikulang hango sa best-selling mystery novel ni Bob Ong na Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

Simula May 18, 2023 ipapalabas na ito sa video streaming application na Prime Video.

Ang pelikulang Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ay idinirek ni Direk Chito Roño, at kasama ang kanyang production team ay maingat nila itong binuo noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Nito lamang nakaraang Huwebes, May 11, ginanap ang screening at press conference para sa nasabing palabas.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing event ay sina Direk Chito, CEO ng Regal na si Ms. Roselle Monteverde, at ilan sa cast ng pelikula.

Mapapanood bilang bida sa Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ang aktor na si Joshua Garcia.

Gagampanan niya rito ang karakter ni Galo, isang college student na naninirahan sa Maynila kasama ang ilang kamag-anak.

Ayon sa CEO ng Regal na si Roselle, mas pinili nilang sa Prime Video ipalabas ang pelikula upang makasunod sa ilang pagbabagong idinulot ng pandemya.

Pagbabahagi niya, “Nagbago na rin ang panahon after ng pandemya. Marami nang mga hobbies ang mga tao. After the pandemic, parang mas gusto na lang nila ng mag-stay sa bahay. And during the pandemic, naging malakas talaga ang digital format.”

Dagdag pa niya, “Kaya nasa isip ko rin… ang audience kasi nito, mas malawak. Hindi lang siya sa Pilipinas mapapanood. Kaya naisip din namin na mas nakakabuti dito sa pelikula namin na mapanood din sa ibang bansa.”

Samantala, bukod sa nasabing palabas ay mapapanood din si Joshua Garcia sa upcoming series na Unbreak My Heart, ang biggest collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

SILIPIN ANG SWOON-WORTHY LOOKS NI JOSHUA GARCIA SA GALLERY SA IBABA: