GMA Logo Max Collins Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez
What's on TV

Max Collins is honored and excited to work with Bong Revilla Jr. and Beauty Gonzalez in 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano
Published May 15, 2023 4:29 PM PHT
Updated May 30, 2023 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Max Collins Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez


Isa si Sparkle actress Max Collins sa lead stars ng upcoming-action comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Inihahandog ng GMA ngayong taon ang pinakabagong action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Max, ibinahagi ng Sparkle actress na isang karangalan ang maging parte ng stellar cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ayon pa sa kanya, ito ang unang pagkakataon na sasabak siya sa isang maaksyong proyekto.

“To be part of the remake is such an honor and it's something that I'm really looking forward to working on. And also, I love the fact that we'll be doing action kasi hindi pa ako nakapag-action sa isang show. And also, na-miss ko rin mag-comedy kasi the last time na nag-comedy ako, medyo matagal na 'yon. It's going to be something refreshing for me,” pagbabahagi niya.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Max sina Bong at Beauty sa isang serye kaya excited at honored ang aktres na makatrabaho sila sa nalalapit na action-comedy series.

“I feel so honored sa totoo lang kasi ang laki ng role ko sa show na ito and the fact that I'll be doing scenes with Senator Bong - with an icon, with a legend - is something that every actress wants to do. It really is a dream role for me.

“With Beauty, I have a lot of friends who are friends with her and nakatrabaho rin siya and all they could say were good things about her kaya I'm excited to work with her,” aniya.

Kabilang sa paghahanda ni Max para sa kanyang gagampanang karakter na si Elize Riego De Dios ay ang gun training.

Kuwento ni Max, “I've been doing gun training just like everyone else. And then I'll do more physical training also because we all kind of have to be physically fit here.”

Kabilang din sa stellar cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.

Mapapanood din sa action-comedy series ang mga batikang aktor na sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.

Ipinakikilala sa serye ang Sparkle actress na si Angel Leighton.

May espesyal na partisipasyon naman dito sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.

Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA.

SILIPIN ANG NAGING STORY CONFERENCE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.