
Maraming fans ang nag-alala sa kalagayan ng singer na si Gigi de Lana matapos siyang mahimatay sa kalagitnaan ng kanyang performance sa show niya ang kanyang banda sa Ilocos Norte nitong weekend.
Base sa Twitter post ng social media personality na si Krissy Achino, tumuloy pa rin sa singer at kanyang grupo sa kanilang gig sa annual event na "Himala sa Buhangin: Art and Music Festival" sa kabila ng aksidenteng kinasangkutan nila habang patungong Ilocos Norte.
ATM: Gigi De Lana continues to perform at the “Himala Sa Buhangin: Arts & Music Festival” here in Ilocos Norte, hours after being involved in a car incident this morning. 🙌🏼 pic.twitter.com/8ttsJcd4bZ
-- Tita Krissy Achino (@KrissyAchino) May 14, 2023
Mapapanood sa video ni Krissy Achino na habang kumakanta ng "Noypi," tila nanghihina siya habang hinahawakan ang mic stand hanggang sa tuluyan siyang nawalan ng malay. Agad namang rumesponde ang first aid responders na nakaantabay sa lugar.
The staff & organizers attend to De Lana after she loses consciousness on stage. She manages to apologize to the crowd but is not able to finish her statement. #LateTweet pic.twitter.com/6oRJC65rPL
-- Tita Krissy Achino (@KrissyAchino) May 14, 2023
Sa isang Facebook, humingi ng paumanhin ang grupo ni Gigi dahil hindi na nila natapos ang kanilang gig sa Ilocos Norte. Gayundin, hindi na nila mapupuntahan ang mga susunod pa sanang gigs dahil sa naging sitwasyon ng singer.
Sa ngayon ay wala pang anumang update tungkol sa kalagayan ng singer.
KILALANIN ANG IBA PANG SHOWBIZ PERSONALITIES NA NASANGKOT SA CAR ACCIDENT SA GALLERY NA ITO: