
Mapapanood na sa Hunyo ang pinakabagong action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.
Ang nasabing serye ay pinagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.
Kamakailan lamang ay naghatid ng good vibes ang ilang Sparkle stars na mapapanood sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Nikki Co.
Sa Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, ibinahagi ang isang behind-the-scenes video nina Kate, Kelvin, at Nikki na sumasayaw habang nasa set ng nalalapit na serye.
“Here's a little behind-the-scenes from the set of [Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis]. Check out Kelvin Miranda, Kate Valdez, and Nikki Co having some fun on TikTok in between takes,” sulat sa caption.
Mapapanood din sa TikTok ang isa pang fun dance video ng tatlong Kapuso artists at mayroon na itong mahigit 800,000 views sa nasabing short video-streaming app.
@nikkico_ @Kate Valdez @Kelvin Manalili Miranda #WalangMatigasNaPulis ♬ money trees -
Kabilang sa stellar cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.
Mapapanood din sa action-comedy series ang mga batikang aktor na sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.
Ipinakikilala sa serye ang Kapuso actress na si Angel Leighton.
May espesyal na partisipasyon naman dito sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.
SAMANTALA, BALIKAN ANG STORY CONFERENCE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.