GMA Logo Kara David
What's Hot

Kara David believes journalism ethics is still necessary in social media

By Kristian Eric Javier
Published May 15, 2023 7:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

Kara David


Kahit sa social media platforms, ayon kay Kara David, importante pa rin ang journalism ethics galing sa traditional media.

Sa panahon ngayon na mas maraming tao na ang nasa social media platforms kaysa nanonood ng TV, nakikinig ng radyo, o nagbabasa ng dyaryo, mas marami na rin ang gumagamit nito para magpahayag ng mga balita o saloobin.

Kaya paalala ng iWitness host na si Kara David, “The fact na gumagamit ka ng social media, which is a form of media, kailangan meron kang same ethics ng truthfulness, ng accuracy, na pinangangalagaan ng mga journalist.”

Sa interview niya sa podcast na Updated with Nelson Canlas, sinabi ni Kara na na-realize niyang pareho lang ang traditional at social media at ang pinagkaiba lang nito ay “'yung vehicle kung saan umeere yung message.”

“Pero hindi dapat nagbabago yung message. Hindi ako naniniwala doon sa sinasabi na 'Ay vlogger lang ako, so dapat hindi nag-apply sa akin yung ethics ng journalism.' No!”

Pagpapaliwanag niya, “Kasi lahat tayo gumagamit na ng social media, lahat tayo content creator na, so may responsibility tayo dapat doon sa nilalabas nating mensahe.”

Ibinahagi rin ng batikang journalist ang paniniwala niya na maaari pa ring tumawid ang mga taong nasa traditional media papuntang social media, “no matter what age you are.”

“Tatangkilikin ka pa rin sa social media. Hindi yan matter of bata ka, young ka, ganyan, mukha kang ganito. Hindi e.”

Dagdag nito, “I think nasa mensahe pa rin siya. Pakiramdam ko 'yung mga tao naghahanap pa rin ng quality. And wala 'yan sa packaging, wala 'yan sa language. Kung de kalidad 'yung laman ng package, kahit gaano ka ka-cheapan 'yung package, kung may sustansya 'yung loob ng regalo, may value pa rin.”

Sa huli ay nagbigay ng munting paalala si Kara sa aspiring vloggers at content creators. “Huwag puro aesthetics lang. Huwag puro packaging, huwag puro ganda lang.”

“Ang dapat tingnan natin, 'yung substance ng message, kasi kung may substance 'yung mensahe mo, mas magtatagal 'yan,” sabi nito.

SAMANTALA, ALAMIN KUNG SINO-SINO ANG BUMUBUO NG MGA GRUPO NG CONTENT CREATORS DITO: