
Bata pa lang si Jillian Ward nang pasukin niya ang mundo ng show business.
Sa paglipas ng panahon, napakaraming manonood at netizens pa rin ang nakasubaybay at humahanga sa kanya hindi lang sa husay niya sa pag-arte kundi pati na rin dahil sa taglay niyang kagandahan.
Sa isa sa bagong posts ni Jillian sa kanyang Facebook page kamakailan lang ang humakot ng libu-libong likes.
Kaugnay ng istorya ng kanyang karakter sa Abot-Kamay Na Pangarap, ibinahagi niya sa social media ang itsura niya sa kanyang passport picture.
Bumuhos ang reaksyon at komento ng kanyang fans at netizens tungkol dito.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 242,000 likes at heart reactions ang larawan ni Jillian.
Sa naturang serye napapanood ang aktres bilang si Doc Analyn, ang genius at pinakabatang doktor sa bansa na anak ni Lyneth, ang karakter ni Carmina Villarroel sa programa.
Nito lamang nakaraang Abril, muling nakatanggap ng pagkilala ang Sparkle star dahil sa kanyang excellent performances sa GMA's top-rating series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Pinarangalan siya bilang Asia's Most Remarkable Actress of the Year sa 7th Asia Pacific Luminare Awards.
Kasabay ng tagumpay na tinatamasa ni Jillian ay patuloy din na nakakatanggap ng papuri ang ang seryeng Abot-Kamay Na Pangarap.
Kabilang sa mga kasama nina Jillian at Carmina sa serye ay sina Richard Yap, Kazel Kinouchi, Dominic Ochoa, Dina Bonnevie, Wilma Doesnt, Jeff Moses, Dexter Doria, Andre Paras, at marami pang iba.
Patuloy na subaybayan si Jillian bilang si Doc Analyn sa hit GMA medical drama series na Abot Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG PALABAN MOMENTS NI ANALYN SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: