GMA Logo Son Yuke Songpaisan and Esther Supreeleela
What's Hot

Love Revolution: Ardy and Nica's happy ending

By Dianne Mariano
Published May 16, 2023 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Son Yuke Songpaisan and Esther Supreeleela


Ano kaya ang kahihinatnan ng love story nina Ardy at Nica? Balikan ang huling linggo ng 'Love Revolution' dito.

Sa huling linggo ng Love Revolution, mayroong lalaking dinala si Vina para sa asawa niyang si Ed at ipinakilala ito bilang ang nawawalang anak ng huli na si Ardy.

Tumawag naman ang isang lalaki kay Seifer at sinabing sila ay magkita kung nais niyang malaman ang totoong nangyari sa pagkawala ng kanyang ina. Sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ng lalaki kay Seifer na mayroong kapalit na malaking halaga ng pera ang impormasyong alam niya tungkol sa nangyari sa pamilya nito.

Matapos ito, nahuli ng mga tauhan ni Vina ang lalaki at nabaril ito ngunit nakaligtas pa rin sa huli.

Dumating naman si Nick sa isang building para hanapin ang kanyang ama at nakita niya itong kasama si Rody, na mayroong hawak na baril. Natamaan si Nick ng bala ng baril habang si naman Rody ay nabaril ng awtoridad at binawian ng buhay.

Matapos ang nangyari, ipinakilala na ni Mario ang totoong pagkakakilanlan ni Nick bilang Nica sa harap ng board members ng Bacayagam Group.

Samantala, naging emosyonal ang mag-amang Ardy at Ed nang muli nilang makasama ang isa't isa. Sa pag-uusap ng dalawa, humingi ng tawad si Ed sa kanyang anak dahil sa mga pagkakamali niya noon.

Nang maging mabuti ang kalagayan ni Ed, pumunta siya sa Intalaweng Group at inilahad sa harap ng board members ang mga masasamang ginawa sa kanya ni Vina.

Labis ang galit ni Raffy, na mayroong hawak na baril, dahil sa mga kamalian ng kanyang ina at nalaman na rin niya na si Gregory ay ang tunay na ama nila ni Ingrid. Sa kasamaang palad, nabaril si Raffy at binawian ng buhay.

Matapos ang ilang araw, inanunsyo ni Ed sa kumpanya na si Ardy na ang magsisilbing executive director ng Intalaweng Group.

Sa muling pagkikita nina Ardy at Nica, ibinigay ng huli ang kanyang matamis na oo sa una matapos nitong mag-propose. Sa huli, masayang ikinasal na sina Ardy at Nica kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Maraming salamat sa pagtutok sa Love Revolution, mga Kapuso!

SAMANTALA, KILALANIN ANG THAI STARS NA NAPANOOD SA HEART OF ASIA SA GALLERY NA ITO.