
Excited na ang fans ng Team BarDa para sa kauna-unahang pelikula ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza at Pambansang Ginoo na si David Licauco!
Sa unang pagkakataon ay mapapanood na sa big screen ang Team BarDa!
Bumyahe na patungong South Korea kagabi (May 21), ang dalawang Kapuso stars para simulan ang kanilang upcoming romantic comedy film na That Kind of Love.
Sa isang exclusive interview ni Lhar Santiago sa 24 Oras, inamin ni David kung gaano siya ka-excited para sa kanilang first big screen project.
Aniya, “Super excited of course, s'yempre it's with Barbie and such a pleasure to work with her. I'm really excited for that."
Samantala, pagbalik nina Barbie at David mula South Korea ay sisimulan naman nila ang kanilang susunod na pagbibidahang Kapuso serye.
Sa parehong interview ay binanggit ni David kung ano ang mga dapat abangan sa kanyang role sa naturang serye na ibang-iba sa karakter niya sa kanyang mga naunang teleserye gaya ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, Mano Po Legacy: The Family Fortune, at Heartful Cafe.
“Halos lahat ng shows ko lahat ng mga characters ko mostly mayaman. This time it's different so it's something to look forward to." saad niya.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago:
TINGNAN ANG SWEET PHOTOS NINA BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO SA GALLERY NA ITO: