GMA Logo angel leighton
What's on TV

Angel Leighton introduces new TV character

By Dianne Mariano
Published May 29, 2023 1:23 PM PHT
Updated May 30, 2023 2:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

angel leighton


Abangan ang Sparkle actress na si Angel Leighton sa upcoming action-comedy series na 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.'

Mapapanood na simula June 4 ang kaabang-abang na action-comedy series ng GMA na mamahalin ng mga manonood, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ang television adaptation ng hit '90s film, na mayroong parehong titulo, ay pagbibidahan nina Ramon “Bong” Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Mapapanood din dito ang ilang Sparkle stars tulad nina Kate Valdez, Kelvin Miranda, Raphael Landicho, Nikki Co, at Angel Leighton.

Sa Instagram, ibinahagi ni Angel ang isang video, kung saan mapapanood ang behind the scenes ng maaksyong eksena niya sa nalalapit na serye. Ipinakilala rin ng Kapuso star ang kanyang gagampanang karakter sa show.

“Abangan niyo po si Pretty Competente sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ngayong June 4 na po 'yan mga Kapuso,” sulat niya sa caption.

A post shared by Angel Leighton (@angelleighton_)

Bukod dito, ipinost din ni Angel ang ilang behind the scenes na mga larawan kasama ang kanyang co-stars at ang production team ng action-comedy series.

A post shared by Angel Leighton (@angelleighton_)

Sa interview ng GMANetwork.com kay Angel, ibinahagi ng aktres na labis na saya ang kanyang naramdaman nang malaman na siya'y bahagi ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

“Actually, sobrang nakaka-overwhelm kasi hindi ko inexpect na makukuha ko 'yung role and knowing na makakasama ko 'yung mga veteran actors, sino ba naman hihindi diyan. Siyempre para mas ma-challenge ako and sobrang saya ko,” pagbabahagi niya.

Mapapanood din sa action-comedy series sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, at Dennis Marasigan.

May espesyal na partisipasyon sa serye sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES PHOTOS NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS PICTORIAL SA GALLERY NA ITO: