Tumutok sa GMANetwork.com para sa big reveal – soon! Para sa unang edition ng GMA Insider, dalawang balita ang aming nasagap na tiyak namang magpapakilig sa inyo!
Tsismis #1
Siguradong titigil ang pag-ikot ng mundo sa pagdating ng bagong heartthrob ng Heart of Asia!
Ang nasabing sought-after star ay kinababaliwan sa iba’t ibang panig ng mundo, at tiyak na titilian din dito sa Pilipinas!
Ang latest niyang palabas na naging trending topic this 2014 ay magla-landing na ngayong Abril sa GMA!
Sino ang famous celebrity na ito na bibihag sa ating mga puso?
Tsismis #2
Ayon sa nakalap naming impormasyon, nagtapat si girl ng kanyang feelings kay guy pero inisnab lang ni guy dahil hindi raw niya type si girl!
Siyempre, heartbroken si girl. Pero ano itong tsismis na magsasama ang dalawa at titira sa isang bahay? E, di nga type ni guy si girl, di ba?
Tumutok sa GMANetwork.com para sa big reveal – soon!