GMA Logo Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega
What's Hot

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, aamin na?

Published May 30, 2023 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alice Guo to undergo 60-day orientation, assessment in women’s correctional —BuCor
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar
Number coding suspended on Dec. 8

Article Inside Page


Showbiz News

Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega


Sa palagay ni Miguel Tanfelix, magiging selosa ba si Ysabel Ortega kapag naging sila na? Sabi ng aktor, 'Hindi kasi hindi ko s'ya bibigyan ng rason para magselos.'

Tila ibinuking ni Bea Alonzo ang real score sa pagitan nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega na matagal nang nali-link sa isa't isa.

Ito ay matapos sumalang ni Miguel sa lie detector test na napanood sa YouTube channel ni Bea.

"Nag-'I love you' ka na ba kay Ysabel," tanong ni Bea.

Mabilis na sagot ni Miguel, "Oo naman."

Sa sumunod na tanong ni Bea na, "Nag-'I love you' na ba s'ya sa 'yo?" tumawa na lang nang malakas si Miguel para iwasang sagutin ang tanong.

Nagtaka rin si Bea na wala pa palang kompirmasyon ang umano'y relasyon nina Miguel at Ysabel, na sweet na sweet on and off cam.

"Gaano na kayo katagal?," tanong ni Bea.

Nakangiting tugon ni Miguel, "Magkakilala?"

Sundot ni Bea, "Ah, hindi ba kayo?"

Curious din si Bea kung kailan nila ito plano isapubliko.

"Sa tingin mo ba malapit na kayo maging Instagram official," tanong ni Bea kay Miguel na sumagot ng "yes."

Ayon kay Miguel, spoiler daw siya sa kanyang mga dine-date.

Nais din daw niyang makapag-travel kasama si Ysabel.

Samantala, inamin naman ni Miguel na seloso siyang tao.

Sa palagay ba niya, magiging selosa si Ysabel kapag naging sila na?

Nakakaantig na sagot ni Miguel, "Hindi kasi hindi ko s'ya bibigyan ng rason para magselos."

Panoorin:

TINGNAN ANG SWEET PHOTOS NINA MIGUEL AT YSABEL DITO: