GMA Logo Alden Richards
What's Hot

Alden Richards, nagkuwento tungkol kay Julia Montes at sa kanilang pelikulang 'Five Break-ups and a Romance'

By Aedrianne Acar
Published May 31, 2023 10:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Alamin ang ilang detalye sa inaabangang film project na ito nina Alden Richards at Julia Montes, ang 'Five Break-ups and a Romance.'

Natapos na ang shooting ng much-awaited film project nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Kapamilya leading lady Julia Montes na Five Break-ups and a Romance.

Ang naturang proyekto ay dinirehe ni Irene Villamor na nasa likod ng mga movies na Sid & Aya at Meet Me in St. Gallen.

Sa exclusive interview nina Alden at Julia sa 24 Oras, ibinahagi nila ang saloobin tungkol sa big film project nila.

Pinuri ng award-winning Sparkle actor ang kapareha niyang si Julia. Ani Alden, “Masarap siya ka-work, kasi walang pretentions. Sobrang naging comfortable talaga ako dito sa set na 'to. I think that's what made this whole collaboration beautiful.”

Emosyonal naman ang versatile actress sa pagtatapos ng kanilang movie shoot. Lahad niya, “Ang hirap niya i-good bye. Hindi lang 'yung character kundi 'yung journey n'yo na magkakasama kayo.”

Not your usual love story

Ganito isinalarawan ng dalawang bida ang kuwento ng mga karakter nila sa Five Break-ups and a Romance.

Paliwanag ni Alden, “Realidad siya sa kung ano talaga 'yung nangyayari love story sa totoong buhay. Hindi ito superficial.”

Pinuri naman ni Julia ang mahusay nilang director na si Irene Villamor.

Sabi nito, “Siguro 'yun 'yung magic ni Direk Irene, e. 'Yung papasukin talaga 'yung emosyon mo. Marami kaming secrets.”

Dagdag naman ng Kapuso heartthrob, “'Yun ang abangan nila kung nasaan sa mga eksena na nagawa namin 'yung sikreto namin. Saan namin siya ginamit sa mga scenes na nagawa namin.”

Nakapanayam naman ng 24 Oras sa cast party si GMA Senior Vice-President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Groups Atty. Annette Gozon-Valdes na lubos ang paghanga sa lead stars ng Five Break-ups and a Romance.

“Wow! Ang galing-galing ng mga artista talaga, ni Alden 'tsaka ni Julia and parang tingin ko, isa pa itong masterpiece ni Direk Irene.”

CHECK OUT THE MEDIA CONFERENCE OF FIVE BREAK-UPS AND A ROMANCE: