
Sa ika-20 anibersaryo ng GMA Heart of Asia, isang panibagong Korean romantic drama series na naman ang siguradong kakikiligan ng mga manonood!
Sa nalalapit na pagtatapos ng Korean melodrama series na Eve na pinagbibidahan nina Seo Yea-ji, Park Byung-eun, Yoo Sun, at Lee Sang-yeob, isang sikat na Korean romance drama naman ang magpaparamdam sa Kapuso viewers kung paano umibig.
Mapapanood na muli sa telebisyon ang sikat na Korean actress na kinahumalingan noon dahil sa kanyang angking ganda at husay sa pag-arte sa sinubaybayang palabas na 'Full House' na umere rin sa Heart of Asia.
Sa kanyang bagong proyekto, gaganap ang South Korean sweetheart bilang isang maganda, matalino at disiplinadong babae na nagtatrabaho sa isang fashion company.
Iibig siya sa isang lalaki na freelance fashion photographer na pangungunahan naman ng isang Korean heartthrob.
Abangan ang kanilang love story at kilalanin sila ngayong June 2023 sa GMA Telebabad.
SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'EVE' SA GALLERY NA ITO: