
Kaabang-abang ang pagsasama nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Megastar Sharon Cuneta.
Sa kanyang Instagram account, inilahad ni Alden ang kanyang pagkasabik na makatrabaho ang batikang aktres.
Ani Alden, “Excited for this…@reallysharoncuneta.”
Samantala, sa post ni Sharon sa Facebook, ibinahagi naman niya ang ilang litrato niya kasama si Alden at ilang tao na parte ng production ng pelikula.
“My new movie is under Cineko Productions and Direk @directfromncn with a script by Mel Del Rosario - co-starring my new movie son, the one and only @aldenrichards02!!!” caption nito sa post.
Kasama rin nila sa photos ang workshop facilitator na si Ina Feleo.
Tinapos ni Sharon ang kanyang post ng “Thank You Lord for a great project! Super excited!!”
Wala pang ibang detalye na binigay si Sharon o si Alden tungkol sa pelikulang gagawin nila.
SAMANTALA, BALIKAN ANG CAREER HIGHLIGHTS NI ALDEN SA GALLERY NA ITO: