GMA Logo Song Hye-kyo, Jang Ki-yong
What's Hot

Pilot episode ng 'Now We Are Breaking Up,' tinutukan ng mga manonood

By Abbygael Hilario
Published June 13, 2023 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Guarantee letters vouch for those in need, not political intervention —Rep. Puno
Fire razes 9 firecracker stalls in Barili, Cebu as buyer tests item
Attend parties and a grand countdown featuring world-class music icons at this integrated resort

Article Inside Page


Showbiz News

Song Hye-kyo, Jang Ki-yong


Subaybayan ang love story nina Corrine (Song Hye-kyo) at Jameson (Jang Ki-yong) sa 'Now We Are Breaking Up,' Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.

Hindi pinalampas ng Kapuso viewers ang pilot episode ng Korean melodramatic romance series na Now We Are Breaking Up.

Talaga namang marami ang tumutok sa unang episode ng pinakabagong offering ng GMA Heart of Asia na Now We Are Breaking Up.

Sa #NowWeAreBreakingUpOnGMA episode kagabi (June 12), nakilala na ng Kapuso viewers ang sikat na fashion designer sa Korea na si Corrine (Song Hye-kyo).

Naging mainit ang gabi ng mga manonood dahil sa nangyaring on-night stand kay Corrine at sa isang lalaki na nakilala niya lamang sa Busan Fashion Week.

Samantala, sa #NWABUBlindDate episode mamaya, mapapanood ang muling pagligtas ni Corrine kay Olive (Choi Hee-seo) mula sa isang heartbreak. Si Olive ang boss ni Corrine sa design department na hindi kayang i-manage ang sarili niyang buhay. Lagi siyang heartbroken dahil madalas siyang nagpapakabaliw sa mga lalaki.

Magtatagpo na rin ang landas ni Corrine at ng mystery guy na naka-one-night stand niya!

Ano kaya ang magiging reaksyon nila sa kanilang muling pagkikita?

Panoorin mamaya sa Now We Are Breaking Up, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG NOW WE ARE BREAKING UP SA GALLERY NA ITO: