GMA Logo boobay
source: boobay7/IG
What's Hot

Boobay, takot na mawalan ng trabaho dahil sa sakit niya

By Kristian Eric Javier
Published June 15, 2023 5:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

boobay


Mensahe ni Boobay sa mga nag-aalangan sa kanya: "Mayroon pa akong ilalabas, maishe-share."

Hindi maiwasan ng Kapuso comedian-TV host na si Boobay, o Norman Balbuena sa totoong buhay, na magkaroon ng takot na hindi na siya kunin sa mga events, gigs, at concerts nag lumabas ang tungkol sa sakit niya.

"Meron, may fear. Pinapasa-Diyos ko na lang talaga,” sabi ni Boobay sa interview niya para sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz.

Patuloy pa ng The Boobay and Tekla Show host, “I'm sure, sabi ko, 'si Lord naman nakakaalam kung ano'ng dapat,' kung ano'ng deserve ko and at the same time, kung alam niyang mayroon pa akong ilalabas, maishe-share.”

Ayon din kay Boobay, dahil sa Diyos, nalaman ang purpose niya sa buhay at iyon ay ang pag-perform at pag-entertain ng mga tao “at gagawin ko 'yun hangga't kaya ko at hangga't nabubuhay ako.”

Abril noong ibahagi ni Boobay ang sakit niya sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan bigla siyang mag-pause na dulot ng kanyang anxiety attack. Dahil dito, agad ipinahinto ni Boy Abunda ang programa mag-commercial break. Sa pagbalik ng programa, ikinwento ni Boobay ang nararanasan niyang absence seizure.

Ang absence seizure ay ang pagtigil at pagtulala ng isang tao ng ilang segundo. Ayon sa komedyante, nangyayari ito sa kanya tuwing pagod o kaya naman ay wala siyang tulog.

Nang tanunging siya kung sa tignin ba niya ay naging hindrance ito sa pag lago ng kanyang karera, ang sagot ni Boobay, “siguro.”

“At some point, I'm sure 'yung iba magaano na parang 'ay, kukunin ko pa ba 'yan?' parang ganun,” sabi nito.

Dagdag pa ni Boobay, kahit mayroong ganoong pangyayari ay hindi raw niya sasayangin ang tiwala at pagkakataong magperform na ibinigay ng mga nagtitiwala pa rin sa kanya.

“Masyado rin ako maging sensitive. Parang kung kailan may show, kailangan rest din talaga, 100 percent rest ka para talaga makapagbigay ka ng performance na deserve nila at hindi mangyari ulit 'yung di inaasahan,” sabi nito.

Panoorin ang kabuuan ng interview ni Ogie kay Boobay rito:

SAMANTALA, ALAMIN KUNG BAKIT TINAGURIAN SINA BOOBAY AT TEKLA BILANG ILAN SA MGA TOP COMEDIANS NGAYON: