GMA Logo Barbie Forteza
What's Hot

Barbie Forteza at 'Maria Clara at Ibarra,' kinilala sa 2023 Golden Laurel Awards

By Marah Ruiz
Published June 16, 2023 7:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza


Nakatanggap ng pagkilala si Barbie Forteza at ang 'Maria Clara at Ibarra' sa 2023 Golden Laurel Awards.

Patuloy ang paghakot ng mga parangal ng hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Dalawang pagkilala ang muling natanggap nito mula sa Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards 2023.

Hinirang ang Maria Clara at Ibarra bilang Best Drama Series habang isa sa mga bida nitong si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang napili bilang Best Drama Actress matapos ang pagganap niya sa serye.



Nasa ika-anim na taon na ang Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards at kinikilala nito ang media programs, platforms at mga personalidad na may mahuhusay na kontribusyon sa kanilang sining.

Gaganapin ang gabi ng parangal ng Golden Laurel: The Batangas Province Media Awards 2023 sa July 20 sa Freedom Hall sa Lyceum of the Philippines University-Batangas Main Campus.

Samantala, available sa streaming giant na Netflix ang Maria Clara at Ibarra.

Maari ring mapanood ng buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.

IN PHOTOS: 'Maria Clara at Ibarra' sa likod ng kamera