GMA Logo Billy Crawford in GMA
What's Hot

Billy Crawford, blessed and grateful sa mga proyekto sa GMA

By Jimboy Napoles
Published June 19, 2023 4:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Billy Crawford in GMA


Billy Crawford sa pagbabalik sa GMA: “Nu'ng lahat nagkakagulo, hindi alam kung saan pupunta, naging wlecome pa rin ang GMA sa akin.”

Muling napapanood ngayon sa GMA ang International singer-dancer and performer na si Billy Crawford.

Matapos ang kaniyang pagiging host ng The Wall Philippines sa GMA noong nakaraang taon, bahagi naman ngayon si Billy ng first-ever The Voice Generations sa Asia bilang isa sa mga coach nito.

Bukod dito, pinamalas din ni Billy ang kaniyang kakulitan sa longest-running comedy gag show sa bansa na Bubble Gang. Sa ngayon, guest host din si Billy sa weekday variety show ng GMA na TiktoClock kasama sina Kuya Kim Atienza, Pokwang, Rabiya Mateo, Faith Da Silva, at Jayson Gainza.

Sa Father's Day episode ng ng TiktoClock, masayang sinalubong ng mga host nito si Billy. Sa kanilang kuwentuhan, tinanong ni Pokwang si Billy tungkol sa kaniyang pagbabalik sa GMA na naging una niyang tahanan kasama ang namayapang star maker na si German Moreno.

“Kumusta naman ang pakiramdam na nakabalik ka dito siyempre sa GMA Studio 6 - ang German Moreno Studio?” tanong ni Pokwang kay Billy.

“Ay para akong nasa bahay ko. Nandito pa rin 'yung espiritu ng aking Papa Germs, dito ako nagsimulang maging makulit at nandito ulit ako ngayon na sobrang blessed,” sagot ni Billy.

Dagdag pa niya, “Alam mo 'yung pakiramdam na gumising ka nang maaga, Father's day na nga so napaka-bless mo na, ang saya-saya sa pamilya, happy, healthy family, tapos binigyan pa tayo ng trabahong ganito.”

Ayon pa kay Billy, nagpapasalamat siya sa GMA dahil naging bukas pa rin ito sa kaniya matapos ang mahabang panahon.

Aniya, “Nu'ng lahat nagkakagulo, hindi alam kung saan pupunta, naging wlecome pa rin ang GMA para sa akin. I love you guys, salamat nang marami.”

Matapos ito, may biro naman si Kuya Kim sa multi-talented performer, “Billy dahil ganyan ang pakiramdam mo, masasabi ko lang, this is your show, this is your time, this is…TiktoClock.”

Samantala, tinanghal din bilang grand champion si Billy sa international dancing competition na Dancing with the Stars sa France noong 2022.

SILIPIN ANG MASAYANG PAMILYA NI BILLY CRAWFORD KASAMA ANG KANIYANG ASAWA NA SI COLEEN GARCIA AT ANAK NA SI BABY AMARI SA GALLERY NA ITO: