
Thankful at excited na si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden para sa panibagong international theater project niya ngayong taon.
Matapos ang matagumpay na pagganap sa role ni John Thomas sa sikat na musical play na Miss Saigon na ginanap sa Guam noong September 2022, sasabak naman ngayon ang Kapuso singer sa isang Disney stage musical.
Nakuha ni Garrett ang lead role sa Beauty and the Beast: The Broadway Musical sa Guam, kung saan siya ang gaganap na Beast.
Sa naganap na online interview para sa bago niyang single sa GMA Music, ang "Kung Malaya Lang Ako," ikinuwento ni Garrett na matapos ang pagsabak niya sa Miss Saigon ay sumubok siyang mag-audition sa iba pang productions.
"Nakaka-miss din siya kasi it's a different experience pero it's something that I wanna try and do again in the future. Kahit po natapos 'yung 'Miss Saigon,' I've been trying to audition, sending self-tapes in other productions," sabi ni Garrett.
Hanggang sa ngayong Hunyo, natanggap na niya ang hinihintay na balita sa naging audition para sa Beauty and the Beast: The Broadway Musical.
Ayon kay Garrett, Mayo nang makatanggap siya ng call back mula sa production na ito kung saan nanghingi ito ng panibagong video.
Nang tanungin kung ano ang dream character niya sa Beauty and the Beast, agad na sagot ni Garrett, "Siyempre, Beast."
"I tried to audition for the role of Beast and I got a call back for it. It's a different thing than Miss Saigon. The singing part, it's more classical. So, I've been doing a lot of self-study when it comes to singing a bit classical," kuwento pa niya.
Congratulations, Garrett Bolden!
MAS KILALANIN SI GARRETT BOLDEN SA GALLERY NA ITO: