
Kasalukuyang mayroong mahigit 2 million views sa Facebook ang trailer ng bagong episode ng Wish Ko Lang na pagbibidahan nina Rochelle Pangilinan, Maui Taylor, at Paolo Paraiso.
Base sa trailer na inilabas ng wish-granting program noong Martes (June 27), tampok sa bagong episode nito na Wish Ko Lang: Type ni mister, type din si misis ang kuwento ng misis na si Jenalyn (Rochelle), na natuklasan ang panloloko ng asawang si Kevin (Paolo) matapos na papasukin ng mister sa kanilang bahay ang babae nitong si Marla (Maui) bilang isang kasambahay. Pero si Marla, tila nahulog din daw ang loob kay Jenalyn?
Kasama rin sa bagong episode sina Chlaui Malayao (Lily), Cheska Iñigo, (Naneth), Mitch Lim (Krissy), at Ava Mendez (Tanya).
Huwag palampasin ang Wish Ko Lang: Type ni mister, type din si misis ngayong Sabado, July 1, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI ROCHELLE PANGILINAN SA GALLERY NA ITO: