
Humahakot ng libo-libong likes ang bagong photos ng former Start-Up PH lead actress na si Bea Alonzo.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang dalawang larawan kung saan ipino-promote niya ang kanyang suot na sunglasses.
Kakabit ng mga larawan ay ang kanyang caption na, “Vibe check…”
Kasunod nito, bumuhos na ang positibong mga reaksyon at komento ng kanyang followers at netizens tungkol sa kanyang walang kupas na kagandahan.
Bukod sa netizens, napa-comment din si Zeinab Harake.
Ayon kay Zeinab, “dyosa ate ko heart emoji].”
Si Zeinab ay kapwa vlogger ni Bea, at matatandaang ilang beses na silang nag-collab o nagkasama para sa ilang video nila sa kani-kanilang YouTube channels.
Samantala, narito ang ilan pang natanggap na komento ni Bea tungkol sa kanyang stunning photos sa Instagram.
Ang award-winning at Kapuso actress na si Bea ay mapapanood sa upcoming romance drama series na Love Before Sunrise.
SILIPIN ANG SEXIEST LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: