GMA Logo Ruru Madrid remembers Lolong anniversary
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
What's Hot

Ruru Madrid, nagbalik-tanaw sa 'Lolong' sa anibersaryo nito

By Marah Ruiz
Published July 6, 2023 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Authorities prepare for post-holiday travel rush in Pangasinan
Jackie Lou Blanco, ikinuwento na crush ni Ricky Davao noon si Snooky Serna
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid remembers Lolong anniversary


Nagbalik-tanaw si Ruru Madrid sa programang 'Lolong' sa anibersayo nito.

Binalikan ni Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ang most-watched television series of 2022 na Lolong.

Isang taon na ang nakalipas simula noong una itong mapanood sa telebisyon. Lubos na malapit ang programa sa puso ni Ruru dahil binago raw nito ang kanyang buhay.

Nagbalik-tanaw ang aktor tungkol sa programa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng video ng mainit na pagtanggap ng mga manonood sa Lolong.

"July 4, 2022 | LOLONG 🐊 Isang taon na ang lumipas ng ipalabas ang isang programa na nagpabago sa aking buhay," panimula si Ruru sa caption ng kanyang post.

Hanggang ngayon, namamangha pa rin daw siya sa suportang natanggap ng serye.

"Sa dami ng aking pinagdaanan bago at habang ginagawa namin ito. Inakala ko na hindi ko kaya ang mga pagsubok at problema, pero pinilit kong labanan at makayanan lahat ng ito, sa tulong ng Ama at lahat ng mga tao na naniniwala at sumusuporta sa akin.

"Hindi namin inaasahan na ganoon na lang ang pagmamahal at suporta na ibibigay ninyo sa amin kaya ito ay naging matagumpay," sulat niya.

Umaasa siyang patuloy na maging inspirasyon ang Lolong sa mga nakapanood nito.

"Kaya sa lahat ng nagdaranas ng matinding pagsubok, huwag kayong susuko. Dahil minsan kailangan natin dumaan sa matinding hirap para hindi natin i-take for granted ang lahat ng mga bagay na meron tayo. Magtiwala lang sa panginoon at paghusayan ang inyong ginagawa, makakamit mo ang iyong inaasam-asam," paalala ni Ruru.

Dadalhin din daw niya ang inspirasyong ito sa susunod niyang mga proyekto.

"Napaka sarap sa puso na makita kung gaano ninyo minahal ang Lolong. Lalo na ang mga Bata na nabibigyan namin ng saya at inspirasyon. Pangako di ako mapapagod gumawa ng mga proyekto, na nakapagbibigay ng ka-aliwan at inspirasyon sa inyo," pangako niya.

Bukod doon, muling ibinahagi ni Ruru na magpapatuloy ang kuwento ng Lolong.

"Maraming Salamat po! Abangan ang pangalawang aklat ng LOLONG 🐊," pagtatapos niya sa kanyang post.

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)

Sa ngayon, nagsimula na si Ruru mag-taping ng kanyang upcoming full action series na Black Rider.

Gaganap siya sa bagong serye na ito bilang Elias, simpleng delivery rider na haharap sa isang malaking sindikato.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)

Star-studded ang cast na makakasama niya sa serye, kabilang na si Matteo Guidicelli, Katrina Halili, Zoren Legaspi at marami pang iba.

Abangan si Ruru Madrid sa Black Rider, soon on GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO: