
Nakahanap ng bagong paraan ang maraming “beshies” kung paano gagawing feel good ang problema na kanilang nararamdaman sa pamamagitan ng bagong trend ngayon na, “Bakit malungkot ang beshy ko?” na mula sa pagiging kataga, ay naging instant choreography.
Ang nasabing linya ay mula sa isang eksena sa Magpakailanman episode noong 2019 tampok ang kuwento ng dating viral na mag-bestfriend na sina MJ Ortega at Lala Vilegenio ng Navotas City.
Sa nasabing eksena, ang kanilang kumustahan ay dinaan nila sa isang showdown kung saan nag-cartwheel muna sila Lala habang itinatanong ang, “Bakit malungkot ang beshy ko?” sa kaibigang si MJ.
Ang nakatutuwang clip na ito, muling nag-viral matapos ang tatlong taon, at ngayon nga ay ginawang choreography na sa TikTok hindi lamang ng netizens kung 'di maging ng ilang celebrities.
Dennis Trillo
Una sa listahan ng mga kumasa sa nasabing trend ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na todo-bigay sa kaniyang pagka-cartwheel at tila kakagaling pa lamang sa pagtulog.
@dennistrilloph Lungkot ka besh? Try ko mag split wait lang… #fyp #foryourpage #goodvibesonly ♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Jillian Ward
Idinaan naman ni Abot-kamay Na Pangarap star na si Jillian Ward sa cute dance steps ang pakikisakay sa trend.
@jillianwxrd bat🤸malungkot🤸ang🤸beshy🤸ko
♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Mikael Daez and Megan Young
Hindi rin nagpahuli ang Royal Blood stars at real-life celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa nasabing trend kung saan nag-carthweel sila sa harap ng kapatid ng una na si Emilio Daez.
Ashley Rivera
Buwis-buhay naman ang ginawang tumbling at cartwheel ng The Seed Of Love actress na si Ashley Rivera o kilala rin bilang si Petra Mahalimuyak online.
@petrashley Madidisgrasya na pero busy parin ang beshy ko
♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Andrea Brillantes
Hataw din si Andrea Brillantes sa kaniyang entry na nag-cartwheel din sa tabi ng kaniyang mga kaibigan.
@blythe Hahahahahhhah #fyp ♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Alexa Ilacad
Matapos ang kaniyang performance sa It's Showtime, nag-record din ng kaniyang “Bakit malungkot ang beshy ko?” video entry ang aktres na si Alexa Ilacad kasama pa si Chie Filomeno.
@alexailacad_ bakit 🤸🏻♀️ malungkot 🤸🏻♀️ ang 🤸🏻♀️ beshy 🤸🏻♀️ ko 🤸🏻♀️ @C H I E #fyp #fypシ ♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Chie Filomeno
Sa hiwalay na video, ibinahagi naman ng kapatid ni Chie Filomeno na si Rio ang kaniyang sariling video entry sa nasabing trend.
@riofilomeno 3 beses ko siya na-uto para dito. 🤣
♬ original sound - Garry Corpuz Domingo
Anne Curtis
As a curious, napatanong sa Twitter si Anne Curtis kung bakit bilang nag-trend ang tumbling at cartwheel emojis sa social media.
Bakit uso the 🤸♀️ emoji? 😂 https://t.co/mHwxG6lQb6
-- Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) July 3, 2023
SILIPIN ANG ILANG TIKTOK TRENDS NA SINIMULAN NG CELEBRITIES SA GALLERY NA ITO: