
Puspusan ang paghahanda ng actress at television host na si Kim Chiu para sa kanyang bagong serye na Fit Check: Confessions of an Ukay Queen, na mapapanood na sa Prime Video.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Kim sa naganap na press conference ng serye kamakailan, ibinahagi ng It's Showtime host na natutunan niya ang pananahi gamit ang manual na sewing machine.
“For me, [my] preparation is 'yung manahi sa sewing machine. First time. So isa rin 'yun sa mga inaral ko talaga,” ani Kim.
Ayon pa sa Chinita beauty, na-enjoy niya ang paggawa ng Fit Check: Confessions of an Ukay Queen dahil sa kanyang hilig sa fashion at sa romantic-comedy na genre.
Aniya, “I super love fashion. Sobrang na-enjoy ko talaga. And doing this kind of genre, na-miss ko talagang gumawa ng romantic comedy drama type of series na feel good lang, but at the same time, may puso [and] may kuwento about family. This is really close to home para sa akin.”
Bukod dito, mayroon ding natutunan na mahalagang aral si Kim mula sa kanyang pinagbibidahang serye. Para sa actress-host, ito ay ang hindi pagsuko sa mga pangarap sa buhay.
Kuwento niya, “In order for you to embrace and smell the success, kailangan mo munang pagdaanan 'yung hirap para kapag napagdaanan mo na 'yun, mas masarap tanggapin ang tagumpay kapag alam mong pinaghirapan mo.”
Samantala, mapapanood si Kim sa hit noontime show na It's Showtime tuwing Lunes hanggang Biyernes, 12 noon, at Sabado sa oras na 11:30 a.m. sa GTV.
TINGNAN ANG STUNNING AT SEXY LOOKS NI KIM CHIU SA GALLERY NA ITO.