GMA Logo Mikoy Morales
What's Hot

Mikoy Morales, proud sa kanyang bagong Cinemalaya film na 'Tether'

By Dianne Mariano
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated July 7, 2023 3:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Nine Cavs hit double figures during blowout of Pelicans
This show from Seoul features dashing oppas and will debut in Manila
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes

Article Inside Page


Showbiz News

Mikoy Morales


Bibida ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa Cinemalaya movie na 'Tether.'

Muling mapapanood ang Kapuso actor na si Mikoy Morales sa isang Cinemalaya film.

Bibida ang aktor sa pelikula na pinamagatang Tether na isinulat at idinirehe ni Gian Arre.

A post shared by Mikoy Morales (@mikoymorales)

Para kay Mikoy, isang espesyal na moment ang magkaroon muli ng Cinemalaya film dahil dito rin daw niya nagawa ang una niyang pelikula. Ayon pa sa aktor, naging maganda rin ang samahan nila ng kanyang co-stars at ng buong production ng Tether.

“Sobrang magkakasundo kami, lalo na ni Direk [Gian Arre], and it became more than what I thought it was. Excited [at] natakot din ako dahil sa materyal, first time kong gumawa ng materyal na ganito, but more excited. I can't wait to see it kasi kahit teaser hindi ko pa nakikita," pagbabahagi niya sa GMANetwork.com.

Kuwento pa ni Mikoy na naging malaking tulong sa kanya ang acting at intimacy workshops na ginawa niya dahil ito ang unang pagkakataon na sumabak siya sa "very intimate scenes."

“'Yung dalawang [preparations] na 'yon, 'yun 'yung pinakanag-udyok sa akin o nagpa-[boost] ng confidence ko na 'okay kaya kong gawin 'to.' Kasi I've never really done anything like this before.

“Nabawasan 'yung takot [ko] sa set dahil sa dalawang preparations na 'yon but it's actually more fulfilling din with what I thought would it be. I think isa ito sa mga pinaka-naging proud akong ginawa ko ever,” ani Mikoy.

Bukod sa Tether, kabilang din sa official entry ng Cinemalaya Film Festival ang pelikula nila nina Sparkle stars Khalil Ramos at Ashley Ortega na As If It's True.

SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO STARS NA BUMIDA SA MGA CINEMALAYA FILM SA GALLERY NA ITO.