
Simula July 24, mapapanood na sa GMA ang Korean fantasy drama na Bride of the Water God.
Unang napanood ang Bride of the Water God sa South Korea noong 2017 at ipinalabas sa GMA Heart of Asia at GMA News TV noong 2018.
Pagbibidahan ng Hallyu actor na si Nam Joo-hyuk ang water god na si Habaek, habang gagampanan naman ni Shin Se-kyung ang psychiatrist na si Lara.
Makakasama sa fantasy series na ito sina Krystal Jung bilang Moora, Gong Myung bilang Biryeom, at Lim Ju-hwan bilang Henry.
Magsisimula ang kuwento ng Bride of the Water God sa paghahanap ni Habaek, diyos ng tubig, sa makapangyarihang mga bato na makakatulong sa kanya para maging hari ng mga kapwa niya diyos.
Hindi inaasahan ni Habaek na mawawala ang abilidad at kapangyarihan niya bilang isang diyos pagdating niya sa mundo ng mga tao. Dahil dito, humingi siya ng tulong kay Lara, isang psychiatrist at ang tanging natitira mula sa angkang nakatadhanang maglingkod sa kanya.
Tinanggihan ni Lara ang paghingi ng tulong sa kanya ni Habaek dahil hindi ito naniniwala na diyos ang huli at napagkamalang may sakit ito sa pag-iisip. Magtagumpay kaya si Habaek sa kanyang misyon? Matutulungan kaya siya ni Lara sa paghahanap ng mga sagradong bato?
Abangan ang Bride of the Water God ngayong July 24, 11:30 p.m. sa GMA.
KILALANIN ANG CAST NG BRIDE OF THE WATER GOD SA GALLERY NA ITO: