
Nasaksihan sa Wish Ko Lang: Type ni Mister, Type din si Misis noong Sabado (July 8) ang hirap na naranasan ni Jenalyn dahil sa paulit-ulit na panloloko sa kanya ng asawa. Inside link:
"'Yung asawa ko sobra talagang kababaero. Uuwi siyang lasing tapos sasaktan niya ako ng ganu'n. Lahat ginawa n'ya na sa akin pananakit. Pagod na ako," kuwento ni Jenalyn sa Wish Ko Lang.
Dahil sa panloloko ng asawa, pinili na lamang niyang lumayo at kalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya.
Ngayon, nagsimula na si Jenalyn ng bagong buhay at itinuon ang kanyang atensyon sa trabaho para sa mga anak.
"Ngayon po okay naman ako. Katagalan tanggap ko na rin. Pinabayaan ko na lang sila para wala ng gulo," sabi niya.
At para makatulong kay Jenalyn, naghanda ng regalo ang Wish Ko Lang at ang Fairy Godmother na si Vicky Morales. Una na rito ang Wish Ko Lang savings, tulong na pinansyal ng programa para sa pamilya ni Jenalyn.
Kasama naman sa negosyo packages na handog ng program ang bigasan, mobile sari-sari store, frozen meat goods, mushroom chicharon products, yema spread products, at French fries merienda business package.
Tinupad din ng Wish Ko Lang ang hiling ni Jenalyn na bagong lamesa at upuan sa regalong dining showcase para sa kanya ng programa.
Abangan kung sino at paano mabibigyan ng magandang bagong simula ang susunod na tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
MAS KILALANIN SI ROCHELLE PANGILINAN SA GALLERY NA ITO: