GMA Logo Min Pechaya Wattanamontree and Metawin Opas-iamkajorn
What's Hot

'Beauty and the Guy,' mapapanood na sa GMA-7!

By Abbygael Hilario
Published July 12, 2023 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelina Jolie bares mastectomy scars in magazine feature
'Puno Ng Puso Ang Paskong Pinoy' (2025 GMA Christmas Station ID Jingle) official audio released
4 entrapped in Mandaue City for land title scam

Article Inside Page


Showbiz News

Min Pechaya Wattanamontree and Metawin Opas-iamkajorn


Sabay-sabay nating subaybayan ang love story nina Irene at Jonah sa 'Beauty and the Guy,' ngayong July 24 na sa GMA!

Isang bagong romantic-comedy Lakorn series na naman ang siguradong kahuhumalingan ng mga manonood!

Malapit nang ipalabas sa GMA-7 ang romcom Thai series na Beauty and the Guy.

Pagbibidahan ito ng Thai superstars na sina Min Pechaya Wattanamontree at Metawin Opas-iamkajorn.
Iikot ang istorya nito sa kwento ng pag-iibigan nina Irene (Min Pechaya Wattanamontree) at Jonah (Metawin Opas-iamkajorn).

Si Irene ay kilala bilang isang hot-tempered at strict boss sa kaniyang kumpanya. Halos lahat ng empleyado ay takot sa kanya. Isang pagkakamali lamang sa gawain ng kanyang tauhan ay siguradong magiging dahilan para tanggalin niya ito sa trabaho.

Ang tanging tao na nakakapagpalambot ng kanyang puso ay ang dati niyang kasintahan na si Jonah na isang veterinarian.

Walang nakakaalam sa naging relasyon ng dalawa dahil sa kanilang age gap.

Lumipas man ang panahon, nananatili pa ring in love sa isa't isa sina Irene at Jonah ngunit paano kaya nila ipagpapatuloy ang kanilang naudlot na relasyon kung marami ang humahadlang dito?

Malagpasan kaya nila ang mga pagsubok ng kanilang 7-year age gap?

Sabay-sabay nating subaybayan ang love story nina Irene at Jonah sa Beauty and the Guy, ngayong July 24 na sa GMA!

SAMANTALA, KILALANIN SI WIN METAWIN SA GALLERY NA ITO: