
Idinaan ng Sparkle actor na si Paul Salas sa isang romantic dinner date ang kaniyang proposal sa aktres at kaniyang girlfriend na si Mikee Quintos upang kaniyang maging date sa nalalapit na GMA Gala 2023.
Sa mga larawan na ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa Instagram, makikita ang intimate dinner nina Paul at Mikee.
All smiles din si Paul habang isinsagawa ang kaniyang proposal kay Mikee.
“Can you be my… GMA Gala date?” tanong ni Paul kay Mikee na nakasulat sa isang fine dining plate.
Hindi naman ini-reveal kung ano ang sagot ni Mikee sa paanyaya ng kaniyang boyfriend. Ito ang dapat abangan sa kanilang vlog.
Samantala, tuloy-tuloy rin ang preparasyon ng GMA Executives mula sa creative execution hanggang sa banquet para sa tinatayang halos isang libong media personalities na dadalo sa GMA Gala 2023.
Sa isang panayam, sinabi ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na hindi lamang GMA artists ang aasahan sa naturang event, dahil dadalo rin ang iba pang media partners, at non-GMA artists.
“It might be the event of the year kasi nandiyan of course ang ating artists pero invited din lahat ng partners natin, those na naka-collaborate natin.
“So, pati 'yung mga artists that we worked with na not from GMA will also be there, so we're very excited,” pagbabahagi ni Atty. Gozon-Valdes.
Ang GMA Gala ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.
Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG KILIG MOMENTS NG KAPUSO REAL-LIFE COUPLE NA SINA PAUL SALAS AT MIKEE QUINTOS SA GALLERY NA ITO: