GMA Logo Song Joong-ki
Sources: kapusomojessicasoho/FB and hi_songjoongki/IG
What's Hot

Korean actor Song Joong-ki, nakitang nakasakay sa jeep?

By Kristian Eric Javier
Published July 17, 2023 3:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Visayas grid to be under yellow alert status anew Saturday afternoon
Joy Barcoma confirms she will not have a final Miss Philippines Earth walk
Bacolod fortifies borders vs ASF

Article Inside Page


Showbiz News

Song Joong-ki


Sino kaya ang nakita ng mga taong nakasakay sa jeep na kamukha umano ng Korean oppa na si Song Joong-ki?

Viral ngayon ang isang video kung saan makikitang nakasakay ng jeep ang kamukha ng Korean actor na si Song Joong-ki.

Si Song Joong-ki ang bumida sa hit K-drama series na Descendant's of the Sun na ginawan ng Philippine adaptation ng Kapuso network noong 2020. Bumida rito ang Primetime King na si Dingdong Dantes at si Ultimate Star Jennylyn Mercado.

Sa reel na pinost sa Facebook page ng Kapuso Mo, Jessica Soho, makikita ang isang lalaki na sakay ng jeep na mapagkakamalan mo ngang ang Korean actor. Sa video, pinakita rin ang still pictures ng lalaki at ni Song Joong-ki para maikumpara at kitang-kita ang pagkakahawig ng dalawa. Ang Korean oppa na nga ba ito?

Sa comments, maraming netizens ang sumangayon na kahawig nga ng Korean actor ang lalaki sa video. Samantalang ang iba naman, sinasabing malayo ang itsura ng dalawa.

Ano sa palagay ninyo? Panoorin ang buong video rito:

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG PINOY CELEBRITIES AT KANILANG MGA KA-LOOK ALIKE DITO: