
Isang simple and sweet date proposal ang natanggap ng Sparkle actress na si Althea Ablan mula sa Kapuso hunk actor na si Prince Clemente para sa inaabangang GMA Gala 2023.
Sa isang post na ibinahagi ng Sparkle sa Instagram, makikita ang pagdating ni Prince sa isang resort hotel kung saan naroon si Althea.
Bitbit ni Prince para sa aktres ang isang bouquet of flowers at isang red rose glass bottle kung saan may nakasulat na, “Will you be my GMA Gala date?”
Kinilig naman si Althea sa mga regalong binigay sa kaniya ni Prince pero mas lalong napangiti ang aktres sa proposal ng aktor.
Saglit muna na napangiti ang aktres bago siya sumagot ng, “Yes,” sa aktor.
Matatandaan na inamin ni Althea sa Fast Talk with Boy Abunda nang maging guest siya dito noon, na inspirasyon nila ni Prince ang isa't isa.
Ang GMA Gala 2023 ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.
Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala 2023 sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG SWEETEST PHOTOS NINA ALTHEA ABLAN AT PRINCE CLEMENTE SA GALLERY NA ITO: