
Reunited si Barbie Forteza sa kanyang Tween Hearts co-star na si Bea Binene matapos magkita sa isang nail salon kamakailan.
Sa magkahiwalay na post ng dalawang aktres noong July 14, ipinost nila ang kanilang larawan matapos magkita.
"Namiss kita, Bey! Ang saya ko na ang saya mo! Love you!," sulat ni Barbie.
"See you again soon pls!!" naman ang sabi ni Bea kay Barbie sa kanyang post.
Na-excite naman ang iba pang Tween Hearts stars na sina Kristoffer Martin at Louise Delos Reyes at direktor nitong si Gina Alajar sa pagkikita nina Barbie at Bea.
Request tuloy ng kanilang fans, magkaroon ng part two ang movie adaptation ng weekly drama romance series na Tween Academy: Class of 2012.
"Baka naman po ituloy niyo na yung tween academy 2," hirit ng isang commenter kay direk Gina.
Ipinalabas ang Tween Hearts mula September 2010 hanggang June 2012 tuwing Linggo ng hapon sa GMA.
Isa ito sa mga successful teen-oriented program ng GMA kung saan tampok ang iba pang noo'y teen actors gaya nina Joshua Dionisio, Jake Vargas, Joyce Ching, Derrick Monasterio, Lexi Fernandez, at Kylie Padilla.
KAMUSTAHIN ANG TWEEN HEARTS STARS DITO: