
“Cuteness overload!”
Ito ang komento ng mga netizen sa naging pagrampa ng Royal Blood child actress na si Sienna Stevens kasama ang young actor na si Euwenn Mikael Aleta sa red carpet ng GMA Gala 2023.
Kabilang sina Sienna at Euwenn sa mga maagang dumating sa nasabing event. Holding hands pa ang dalawa habang naglalakad sa red carpet at all smiles na nakatingin sa mga photographer.
Suot ni Sienna ang isang teal green ball gown habang looking pogi naman si Euwenn sa kaniyang royal blue suit.
Ang video ng red carpet entrance ng dalawang young stars ay agad na in-upload sa TikTok account ng GMA Network kung saan agad din itong pinusuan ng netizens.
@gmanetwork Cuties! 😍✨ Sienna Stevens and Euwenn Mikael Aleta are partners for tonight's #GMAGala2023 ♬ original sound - GMA Network
Samantala, trending at hot topic din sa social media ang GMA Gala 2023 na dinaluhan hindi lamang ng Sparkle at Kapuso Stars kung 'di maging ng iba pang celebrities at social media personalities.
Sa Twitter, nasa number one spot ng Philippine trending topics ang #GMAGala2023, ang official hashtag ng nasabing event.
Bukod sa naging masayang pagsasama-sama ng mga artista, ang GMA Gala 2023 ay isang fundraising event na naglalayong makatulong sa lahat ng beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation.
BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGRAMPA NG MARAMING CELEBRITIES SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: