
Magkasunod na rumampa sa red carpet ng GMA Gala 2023 ang Maging Sino Ka Man actress na si Barbie Forteza at Unbreak My Heart actor na si Joshua Garcia.
Bagamat solo na naglakad sa red carpet, isa si Barbie sa mga nag-standout sa ball suot ang kaniyang mint green gown na gawa ni Ehrran Montoya.
Sa katunayan, siya ang best dressed para sa aktor na si Joshua nang tanungin ito kung sino ang tingin niya na may pinakamagandang damit sa mga aktres na nakita niya sa event.
Dahil nasa unahan umano ni Joshua si Barbie sa paglalakad sa red carpet, hindi niya naiwasan na mapagmasdan ang look ng aktres.
Aniya, “Barbie, siya yung nasa harapan ko kanina sabi ko, 'Ang ganda ng dress nito.' Hindi siya ganun ka-flashy pero at the same time nandun 'yung pagka-elegante ng babae.”
Matatandaan naman na sinabi noon ni Barbie sa vlog ng news personality na si Karen Davila na isa si Joshua sa Kapamilya actor na gusto niyang makatrabaho.
Ngayong nagsimula na ang collaborations ng GMA Network at ABS-CBN, posible kaya na magkaroon ng proyekto ang dalawa?
Samantala, trending at hot topic din sa social media ang GMA Gala 2023 na dinaluhan hindi lamang ng Sparkle at Kapuso Stars kung 'di maging ng iba pang celebrities at social media personalities.
Sa Twitter, nasa number one spot ng Philippine trending topics ang #GMAGala2023, ang official hashtag ng nasabing event.
Bukod sa naging masayang pagsasama-sama ng mga artista, ang GMA Gala 2023 ay isang fundraising event na naglalayong makatulong sa lahat ng beneficiaries ng GMA Kapuso Foundation.
BALIKAN NAMAN ANG NAGING PAGRAMPA NG MARAMING CELEBRITIES SA RED CARPET NG GMA GALA 2023 SA GALLERY NA ITO: