
Hindi lang celebrities ang nagningning sa GMA Gala 2023 pati na rin ang ilang digital creators at social media personalities na dumalo sa prestihiyosong event na ginanap noong Sabado, July 22, sa Manila Marriott Hotel, Pasay City.
Kabilang na riyan ang sikat na content creator na si Sassa Gurl na agaw-eksena sa kanyang black gown at blonde hair.
Ka-date niya ang singer-songwriter na si Silas, kapatid ng Sparkle artist na si Faith Da Silva, at kasama niyang lumakad sa red carpet.
Sa Instagram, ipinost ng binansagang "Mima" ang ilan nilang larawan sa GMA Gala 2023 at ang fangirling moment niya kasama si Kyline Alcantara.
Maliban kay Sassa Gurl, spotted din sa GMA Gala 2023 ang iba pang content creators na sina Zeinab Harake, Toni Fowler, Abi Marquez, at Janeena Chan na isa ring red carpet host ng nasabing event.
Dumalo rin ang YouTubers na sina Ashley Sandrine Yap, na date ng ama niyang si Richard Yap, at Chelsea Robato, na date ng fiance niyang si Magandang Dilag actor Benjamin Alves.
BALIKAN ANG MGA EKSENA SA GMA GALA 2023: