GMA Logo mj lastimosa
Courtesy: mj_lastimosa (IG)
What's Hot

MJ Lastimosa, sinagot ang mga pambabatikos tungkol sa kanyang 'Barbie' post

By EJ Chua
Published July 26, 2023 11:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos rejects PH label as ‘ISIS training hotspot’
EXO Chen announces Manila concert in 2026
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.

Article Inside Page


Showbiz News

mj lastimosa


Umani ng batiko ang komento ni MJ Lastimosa na 'Sayang 600' tungkol sa pelikulang 'Barbie.'

Matapos mag-viral sa social media ang 'Sayang 600' na ngayo'y deleted tweet na ni MJ Lastimosa tungkol sa movie na Barbie, bumuhos ang iba't ibang reaksyon ng netizens.

Mula sa kanyang tweet ay nakatanggap si MJ ng hateful comments mula sa ilang netizens.

Kasunod nito, hindi na napigilang sagutin ng Miss Universe Philippines 2014 sa Twitter ang sunud-sunod na pambabatikos kanyang natanggap.

Pahayag ni MJ, "Wait lang naman sobrang online bullying naman agad kayo. Nakakatakot naman magka opinion dito minumura na ako ng iba sa ibang socmed ko only because I did not like a film?”

Ipinaliwanag pa ng beauty queen na opinyon niya lamang ang sinabi niya sa naturang tweet.

Sabi niya, “I liked Little Women and Lady Bird naman, why attack me if I say I didn't find it as good. It's just my opinion and it has nothing to do with the movie being feminist, which is the only part that I liked, [especially] the speech of America Ferre, parang dapat nga wala na si Will Ferrell dun. But it's just me, you're entitled to like and dislike a movie.”

Ayon pa kay MJ, “Wala akong inapakang tao. Natatakot din akong i-tweet to kasi magagalit na naman kayo kasi dapat in unison ang opinion natin dito or else bobo na agad kami?”

“Sorry na agad mga mare kalma na masyado na kayong galit,” dagdag niya.

Tinapos niya naman ang kanyang tweet sa kanyang pahayag na, “Okay na bahala na kayo jan mag gygym pa ako at late na! Goodnight.”

Ang movie na Barbie ay minsang nang pinag-usapan kung ipagbabawal ba ang pagpapalabas nito sa Pilipinas dahil sa fictional map ng South China Sea na na-feature sa naturang palabas.

SILIPIN ANG ILANG STUNNING PHOTOS NI MJ LASTIMOSA AT KILALANIN ANG KANYANG CELEBRITY PHOTOGRAPHERS SA GALLERY SA IBABA: