GMA Logo Maja Salvador
What's Hot

Maja Salvador, sinorpresa ng co-stars sa 'Open 24/7' bago ang kaniyang kasal

By Aedrianne Acar
Published July 26, 2023 11:47 AM PHT
Updated July 26, 2023 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Maja Salvador


Malapit na malapit na ang kasal ni Maja Salvador sa fiance nitong si Rambo Nuñez.

Kita sa reaksyon ng Majestic Superstar na si Maja Salvador na wala itong kaalam-alam na may hinandang sorpresa ang co-stars niya sa high-rating Kapuso sitcom na Open 24/7 bago ang kaniyang kasal sa fiancé na si Rambo Nuñez.

Sa Instagram Stories nina Sofia Pablo at Allen Ansay, may pa-cake ang buong team para kay Maja na nakatakdang ikasal ngayong Hulyo.

Gumaganap si Maja bilang Mike sa sitcom na pinagbibidahan din nina Bossing Vic Sotto at Jose Manalo.

Sa panayam nila Maja at Rambo sa PEP.Ph, kinumpirma ng dalawa na “destination wedding” ang mangyayari.

Lahad ni Rambo sa showbiz website, “Yung gusto lang namin yung… parehas kaming mahilig mag-travel, e. So, we wanna go to destinations na, kumbaga, malapit din sa amin,”

Na-engage ang dalawa noong April 2022.

Samantala, mapapanood naman ang versatile actress at comedienne na si Kakai Bautista sa upcoming episode ng Open 24/7 ngayong July 29. Gaganap ang magaling na performer bilang si Juana.

SILIPIN ANG SWEET ENGAGEMENT NINA MAJA AT RAMBO DITO: