GMA Logo dongyan dongjen bea dom at gma gala
What's Hot

DongYan and DenJen reunited at GMA Gala 2023; Bea-Dom meet Jennylyn

Published July 26, 2023 12:22 PM PHT
Updated July 26, 2023 1:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Wizards have rare showing on defense in win over Pacers
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News

dongyan dongjen bea dom at gma gala


Maraming natuwa sa pagkikita-kita ng showbiz power couples na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, at Bea Alonzo at Dominic Roque sa GMA Gala 2023.

Viral ngayon sa social media ang video ng pagkikita-kita ng Kapuso power couples na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes, at Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa GMA Gala 2023.

Ipinost ito ng talent manager na si Jan Enriquez sa TikTok noong weekend, at mayroon nang mahigit 800,000 views sa trendy short-form video hosting service sa ngayon.

@jan.enriquez #jennylynmercado #dennistrillo #marianrivera #dingdongdantes #beaalonzo #dominicroque #dongyan #jenden #denjen #kapuso #kapamilya #gmagala2023 #fyp #foryourpage ♬ original sound - Jan Enriquez

Sa video, mapapanood ang nakakaaliw na batian nina Marian at Jennylyn, at nina Dingdong at Dennis.

Sabi ni Dingdong kay Dennis, "Follower mo ako sa TikTok. 'Yung mga content mo, the best."

Singit naman ni Marian, "Ikaw (Dennis), puro kalokohan pinaggagagawa mo [sa TikTok]."

Makikita sa TikTok account ni Dennis ang mga nakakaaliw niyang skit, gaya ng "Bakit malungkot ang beshy ko" entry niya kung saan nag-cartwheel at nag-split ang aktor. Sa ngayon, mayroon na itong 15 million views.

Kuha rin sa video ang pagbeso ni Bea Alonzo sa kanyang Love Before Sunrise leading man na si Dennis, at ang pagbati ng fiance ni Bea na si Dominic Roque kay Dennis at sa misis nitong si Jen.

Marami namang natuwa sa pagsasama-sama ng tatlong popular na showbiz couples sa GMA event.

May ilan ding netizens ang umaasang mapagsasama-sama ang mga premyadong artista sa isang proyekto. Kung sakali raw magkaroon ng Pinoy adaptation ang South Korean series na The Penthouse, bagay silang maging cast.

Ilang beses nang nagkasama sina Dingdong at Dennis sa proyekto. Matatandaang bumida sila sa 2018 GMA primetime series na Cain at Abel, na latest series nila. Nagkatrabaho rin sila sa Endless Love, kung saan katambal ni Dingdong ang ngayo'y misis niyang si Marian.

Ilang beses ding nagkasama sina Marian at Dennis sa serye gaya sa Darna (2009) at Temptation of Wife (2012).

Samantala, onscreen partners sina Dingdong at Jennylyn sa local adaptation ng South Korean series na Descendants of the Sun na ipinalabas noong 2020.

First love team partner naman ni Bea si Dennis, na nakapareha niya sa 2002 youth-oriented show na K2BU na napanood sa ABS-CBN.

NARITO ANG IBA PANG HIGHLIGHTS SA GMA GALA 2023: