
Sa loob ng maraming taon, pinatunayan ni Willie Nepomuceno ang bansag sa kanyang 'man with many faces' matapos niyang i-impersonate ang mga naging pangulo ng Pilipinas at iba pang sikat na personalidad.
Mula sa dating mga pangulo na sina Noynoy Aquino at Joseph Estrada hanggang sa iba't ibang personalidad sa mundo ng showbiz at pulitika, hindi maikakaila ang galing sa panggagaya ni Willie.
Sa kanyang pagpanaw sa edad na 75 noong July 26, nagluluksa ngayon ang pamilya Nepomuceno kasama ang buong industriya ng showbiz.
Sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras, sinabi ng anak ni Willie na si Yeng Dumlao, nahulog sa kama ang kanyang ama at kailangan itong operahan. Acute brain hematoma ang cause of death ng komedyante.
Sa isang hiwalay na Facebook post ng anak ni Willie na si Wilsson, inalala nito ang mga tinuro sa kanyang aral at sinabing dadalhin niya ito habang buhay.
Aniya, "Farewell, Tatay. Though it's incredibly hard to say goodbye, I am grateful for the time we had together. Your love, guidance, and presence in my life have shaped me into the person I am today."
"I will forever treasure the memories we created, the laughter we shared, and the lessons you taught me.
"Thank you, Tatay, for your unwavering love and for being an incredible father. Your legacy will forever be engraved in my heart. Rest well, knowing that you are deeply loved and missed."
Magsisimula ang public viewing sa mga labi ng nag-iisang Willie Nepomuceno mamayang alas-3 ng hapon sa Paket Santiago Funeral Homes sa San Roque, Marikina.
BUKOD KAY WILLIE, NARITO ANG MGA KOMENDYANTENG NAGPAPATAWA NA SA LANGIT: