
Bukod sa teleseryeng Maging Sino Ka Man, may bagong gagawing proyekto ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.
Sa kanyang post sa Instagram noong July 24, inanunsyo ng aktres na gagawa siya ng pelikula sa ilalim ng GMA Pictures.
Kalakip nito ang larawan niya kasama ang ilang GMA Public Affairs officers, Sparkle handler niyang si Diane Evangelista, ama niya, at ang direktor na si Derick Cabrido.
"New project coming soon!... @gmapictures…" sulat ni Barbie.
May pelikula rin si Barbie kasama si David Licauco na tapos na nilang i-shoot sa ilalim ng Pocket Media Films. Pinamagatan itong That Kind of Love na kinunan ang ilang eksena sa South Korea.
Sa ngayon, naka-focus si Barbie sa launching series nila ni David matapos ang success ng Maria Clara at Ibarra.
Muli silang magtatambal para sa TV adaptation ng 1991 film na Maging Sino Ka Man na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Nakatakda itong ipalabas sa GMA ngayong taon.
KILALANIN ANG IBA PANG ARTITSTA NA MAPAPANOOD SA GMA ADAPTATION NG MAGING SINO KA MAN: