
Excited na ang Maging Sino Ka Man actress na si Barbie Forteza na matapos ng ipinapatayo niyang dream house. At sa 26th birthday ng aktres, may isang kahilingan lang siya para sa bahay na pinapangarap niya.
“Smooth turnover na lang ng dream house and sana ma-enjoy din ng family ko 'yung bahay,” sabi ni Barbie sa interview niya kasama si Lhar Santiago sa "Chika Minute" para sa 24 Oras nitong Lunes, July 31.
Dagdag pa ni Barbie, “Sana ma-maximize ko [rin], sana ma-enjoy ko [rin] 'yung time ko dun.”
Inihayag din ng dalaga kung gaano siya ka-excited na matapos na ang bahay, at sinabing gusto nito mag-invite ng mga kaibigan sa house blessing.
“Kasi pinaghirapan ko talaga siya so I'm super proud of it so gusto ko talaga maraming makakita,” sabi nito.
Unang ibinahagi ni Barbie ang pagpapatayo niya ng dream house noong November 2022 sa Instagram. Ayon sa aktres, ang nagdaang pandemya ang nagturo sa kaniya magplano at maghanda ng maaga.
“Dear self, I am so proud of you. Keep doing what you're doing and don't forget to have fun while you're at it,” caption niya sa post.
Samantala, nang tanungin naman siya sa interview nila kung iimbitahan ba ni Barbie ang co-star niyang si David Licauco , “Oo! Ikaw na rin magbayad,” ang pabirong sagot nito.
Bukod pa sa patapos na niyang dream house ay thankful din si Barbie sa mga nangyari sa kaniya at sinabing iba'ng-iba na ang buhay niya ngayon kumpara sa nakaraang taon.
“In a good way, in a best way, kaya ang dami ko talagang pinagpapasalamat and now that I share this blessing with David is such a treat for me,” sabi nito.
Panoorin ang buong interview ni Barbie at David dito: