GMA Logo My Roommate is a Gumiho
What's Hot

'My Roommate is a Gumiho,' mapapanood sa GMA

By EJ Chua
Published August 2, 2023 1:52 PM PHT
Updated August 4, 2023 11:12 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos swears in Barcena as new NPC commissioner
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

My Roommate is a Gumiho


Handog ng GMA para sa mga Kapuso ang fantasy romantic comedy series na 'My Roommate is a Gumiho.'

Isang complete package na Korean series ang bagong handog ng GMA para sa mga Kapuso.

Malapit nang mapanood sa Kapuso Network ang fantasy romantic-comedy series na pinamagatang My Roommate is a Gumiho.

Ang naturang Korean drama series ay tungkol sa thrilling love story ng isang nine-tailed fox na gustung-gusto maging isang tao upang maranasan ang iba pang mga bagay na hindi niya pa nasusubukan.

Habang pinoprotektahan ang fox bead na nasa kanyang katawan sa loob ng 999 years, makikilala niya ang isang babae na isang simpleng tao.

Aksidenteng mailuluwa ng nine-tailed fox ang bead at malulunok naman ito ng dalaga. Dahil sa nangyari, magsisimulang maging komplikado ang kanilang pamumuhay.

Bukod sa interesting story ng My Roommate is a Gumiho, dapat din abangan ng mga manonood ang award-winning actors sa naturang serye.

Kabilang sa cast nito ay ang Korean stars na sina Lee Hye-ri, Bae In-hyuk, Kang Han-na, Jang Ki-yong, at marami pang iba.

Abangan ang nalalapit na pagpapalabas ng My Roommate is a Gumiho sa GMA.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG KOREAN SERIES NA QUEEN SEONDEOK SA GALLERY SA IBABA: